Nakatakdang ihayag bukas ang mga naging obserbasyon at rekomendasyon ni UN Special Rapporteur Irene Khan hinggil sa lagay ng karapatang pantao sa bansa.
Sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Paul Gutierez, gagawin ito sa exit conference kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan.
Pagkatapos nito ay haharap naman si Khan sa media para sa press conference hinggil dito.
Ipadadala naman ni Khan ang inisyal na dokumento ng kaniyang report sa June para mabigyan ng pagkakataon ang pamahalaan na makapagkomento, habang susumite naman nito ang pinal na report sa July 2025.
Nasa Pilipinas si Khan para sa sampung araw na pagbisita kung saan susuriin nito ang human rights mechanism ng bansa, partikular ang lagay ng mamamahayag at freedom of opinion at expression.