Umabot na sa ₱185.83 million ang pinsala ng Bagyong Ambo sa agrikultura at livestock sa CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas Regions.
Base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa 40,872 mga magsasaka na may sinasakang 9,977 ektarya ng agricultural lands ang naapektuhan.
Sa kabila nito, nakapag-ani pa rin ang mga magsasaka bago pa man manalasa ang bagyo.
Nasa 416,732 metric tons ng palay na nagkakahalaga ng ₱7.01 billion at 208,890 metric tons ng mais na nagkakahalaga naman ng ₱2.17 billion ang kanilang naisalba.
Samantala, inatasan na ni Agriculture Secretary William Dar ang mga DA Regional Executive Directors na magsagawa pa ng assessment sa pinsala ng bagyo sa pananim, livestock at palaisdaan.
Tiniyak naman ng kalihim na may nakahandang ayuda para sa kanila mula sa Quick Response Fund (QRF) na pinaglaanan ng ₱700 million para sa rehabilitasyon ng mga nasirang sakahan at farm infrastructure.
Mayroon ding ipapamahaging rice seeds, corn seeds, iba’t ibang buto ng gulay at mga gamot na kailangan para sa livestock at poultry.