Inisyal na report sa pinsala ng bagyong Tisoy sa Agrikultura, umabot sa P11.6-B

Naitala na ng Department of Agriculture sa P11.6-B ang inisyal na pinsala na iniwan ng bagyong Tisoy sa sektor ng Agrikultura.

 

Batay sa report ng DA DRRM Operations Center ,nasa 14,637 na ektaryang pananim ang nasira na katumbas sa  18,455 metric tons ang volume.

 

 

Pinakamatinding napinsala ang CALABARZON at Bicol Region  na nakapagtala ng P531.62M na pinsala sa pananim


 

Ito ay nakaapekto sa kabuhayan ng abot sa 3,808 na magsasaka.

 

Kabilang sa mga nasirang pananim ay palay,mais at mga high value crops.

 

Sa pagtaya ng ahensya, 60 to 80 percent ng produksyon ang hirap nang marekober dahil sa mga pagbaha.

 

Nasa 3,230 bags ng rice seed na reserba sa CALABARZON ang nakatakdang ipamahagi sa mga apektadong magsasaka roon.

 

Mayroon naman 3,163 bags ng rice seeds, 2,632 bags ng corn seeds, at 322 kgs ng vegetable seeds ang ipapamahagi sa mga apektadong magsasaka sa Region 5

 

Sa ngayon ay pahirapan pa ang pagkuha ng datos sa iba pang apektadong lugar dahil sa problema sa komunikasyon.

 

Facebook Comments