Nagsumite na ang Pfizer-BioNTech sa gobyerno ng Estados Unidos ng paunang clinical data na naglalayong humingi ng pahintulot upang makapagturok na ng ikatlong doses ng bakuna.
Ayon kay Pfizer’s Chairman and Chief Executive Officer Albert Bourla, nakita sa datos na mas mataas ang natatamong antibody levels ng mga naturukan ng third dose matapos na mabakunahan ng una at ikawalang dose.
Sinuportahan naman ito ni BioNTech Co-founder Ugur Sahin at iginiit na nakakatulong ang booster vaccine sa pagbabawas ng infection at disease rates sa mga indibidwal na nabakunahan na.
Unang inaprubahan ng US nitong nakalipas na linggo ang booster shots ng Pfizer-BioNTech at Moderna para sa mga mahihina ang immune system.
Facebook Comments