Inisyal na security screening sa Iloilo airport, pinatanggal ng DOTr

Courtesy: Department of Transportation

Pinatatanggal ni Department of Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez ang inisyal na proseso ng security screening sa Iloilo airport para magkaroon ng malawak na espasyo para sa mga pasahero.

Nagbigay ng 15-day deadline ang DOTr sa nasabing airport para magsumite ng kanilang action plan para sa bagong polisiya.

Inatasan din ng sekretarya ng kagawaran ang pamunuan ng nasabing airport na i-finalize na ang planong pagpapalawak ng terminal building para sa mga pasahero.

Dagdag pa nito ang agarang pagpapatupad ng automated check in na may facial recognition para maiwasan ang pagsikip ng mga tao dulot ng peak hours.

Samantala, sinuguro naman ni Secretary Lopez na magkakaroon pa rin ng final security checking sa mga pasahero sa paliparan para masiguro ang seguridad sa lugar.

Facebook Comments