Inisyal na Tatlong Libong Relief Goods, Inihanda na ng CDRRMO Ilagan!

City of Ilagan, Isabela – Inihahanda na ng City Disater Risk Reduction and Management Office ng Ilagan ang inisyal na tatlong libong pakete ng relief goods sa pangunguna ng mga empleyado ng city government ng Ilagan para sa posibleng pananalasa ng bagyong ompong.

Ayon kay ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng pamahalaang panlungsod ng Ilagan na hindi pa umano ito ang pinakabuo ng kanilang paghahanda para sa food packs kung saan ay may darating pa umanong karagdagang bilang ng mga ihahandang relief goods.

Aniya kabilang sa inihahanda ay ang mga gamit gaya ng kumot, kandila, mga damit, medical at hygiene kit at iba pa.


Pangunahin umano na pagdadalhan ng mga relief goods sa posibleng pananalasa ng bagyong ompong ay lahat ng barangay na kinukonsiderang potential risk barangay sa tuwing may bagyo sa lungsod ng Ilagan.

Samantala maging ang mga iba’t ibang gamit sa loob ng mga gusali o tanggapan ng city government ay binalot na ng mga plastik upang hindi masira sa bagyong ompong.


Facebook Comments