Nakapaghatid na ng tulong ang pamahalaan sa mga kababayan natin sa Mindanao na apektado ng mga pag ulan, pagbaha at landslide.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa P3.3M na inisyal na tulong ang naipagkaloob sa mga apektadong pamilya.
Kabilang sa mga ayudang ibinigay ay family food packs, family kits at iba pa.
Samantala, nasa 143,047 na pamilya o katumbas ng mahigit 529,000 mga indibidwal ang apektado ng sama ng panahon mula sa 406 na mga barangay sa Region 11, CARAGA at BARMM.
Sa nasabing bilang nasa mahigit 70,000 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang mga evacuation centers kung saan ang iba ay pinili na lang makituloy sa kanilang mga kaanak.
Sa datos pa ng NDRRMC, 5 ang naiulat na nasawi habang 7 ang sugatan pero patuloy pa itong beneberipika