Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na maghanda sa posibilidad na tumindi pa ang nararanasang mainit ng panahon sa Mayo.
Ayon kay Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA – hindi pa matatawag na peak o rurok ng tag-init ang nararamdaman ngayong buwan.
Nitong Biyernes, umabot ang init sa 37°c sa Cabanatuan at 35.5°c sa Tuguegarao.
Ang mga nabanggit ay ang mga lugar sa Pilipinas na kadalasang naitatala ang pinakamataas na antas ng temperatura.
Samantala, ang heat index o init factor ay ang init ang nararamdaman ng katawan at iba ito sa naitatalang temperatura.
DZXL558
Facebook Comments