Init na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa, posibleng tumagal pa ayon sa PAGASA

Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko kasunod ng nararanasang init ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Ito ay matapos makapagtala ng 51 degree Celsius (°c) ang Sangley Point, Cavite nitong Sabado na siyang pinakamataas na heat index sa Pilipinas.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan dahil sa temperatura.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Grace Castañeda, Weather Forecaster mula sa PAGASA na posible pa ring umabot sa 41 degree Celsius ang temperatura sa mga susunod na araw at linggo.

Dulot kasi aniya ito na kalagayan sa Northern Hemisphere na tumapat sa panahon ng tag-nit ng bansa.

Maliban sa Cavite naramdaman din ang “danger” level ng heat index sa 26 pang lugar.

Pinakamataas na heat index na naitala ngayong taon ang 53 ℃ sa Dagupan City sa Pangasinan nitong Mayo 14.

Facebook Comments