Init ng panahon sinasabing rason ng pagputok ng eksplosibo sa loob ng Davao City Police Headquarter

Dahil umano sa sobrang init na panahon ang tinuturong dahilan sa aksidenteng pagputok ng mga eksplosibo sa loob ng stockroom sa Explosive Ordinance Division o EOD sa Davao City Police Office o DCPO Headquarters alas 11:30 ng umaga noong Sabado De Gloria.

Sa panayam ng RMN Davao kay DCPO Head Police Col. Alexander Tagum na nakatago ang mga dinamita, granada at ieds sa kwarto para magamit bilang ebidensya sa Korte.

Ayon kay Tagum na ligtas ang lahat ng mga personahe at nag-iwan lamang ng kakaunting pinsala sa nasabing insidente.


Dagdag nito, nailipat na nila ang mga naiwang eksplosibo sa mas ligtas na lugar para masigurong hindi maulit pa ito.

Facebook Comments