
Inaasahang ngayong hapon pa masisimulan ang technical diving at site assessment sa Taal Lake sa Batangas.
Nagsasagawa pa kasi ng briefing ang mga kinatawan ng mga ahensiyang katuwang sa initial diving para hanapin ang mga nawawalang sabungero.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), mamayang ala-una ng hapon magsasagawa ng briefing at inaasahang kasabay na rin nito ang pagsisimula ng pagsisid sa lawa.
Mayroon namang ilalaan na bangka sa mga media na sasama sa operasyon para masaksihan ito.
Kanina, may mga nag-ikot nang mga rubber boat ng Philippine Coast Guard (PCG) dito sa may paligid ng Talisay baywalk.
Facebook Comments









