Initiation rites kay Horacio Castillo III, kumpirmadong ginawa sa tanggapan ng Aegis Juris sa Maynila

Manila, Philippines – Kumpirmadong sa loob ng Aegis Juris Foundation Office sa kanto ng Navarra at Laong Laan St. sa Sampaloc, Maynila isinagawa ang initiation rites kay Horacio Castillo III.

Ito ang nakasaad sa reklamong inihain ng Manila Police District sa Department of Justice laban kina John Paul Solano at iba pang mga miyembro at opisyal ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon sa MPD, nangyari ang hazing noong September 17, 2017 sa pagitan ng alas dose ng hatinggabi at alas otso ng umaga.


Batay sa mga testigong nakausap ng mga pulis, narinig ng mga saksi mula sa loob ng tanggapan ng Aegis Juris ang ingay, tawanan, sigawan at nag-iinuman na mga miyembro ng fraternity.

Sa nairekord na CCTV Footage ng Barangay 471, Zone 45, makikita na pumarada sa harap ng Aegis Juris Foundation ang isang itim na Fortuner na may conduction sticker No. 9864, pulang Strada pick up na may plakang ZTV 539 at itim na Rouser Motorcycle na may plakang LD 19153 na minamaneho ni Solano.

Facebook Comments