INIUTOS | Bagong kaso laban sa mga suspek sa pagpatay sa Italian missionary, isasampa

Manila, Philippines – Ipinag-utos ngayon ng investigating panel ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng panibagong murder complaint laban sa iba pang suspek sa pagpatay kay Italian missionary Fausto ‘Pops’ Tentorio.

Ito ay matapos bawiin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga reklamong murder at attempted murder laban sa magkapatid na Jose Sultan Sampulna at Dima Sampulna.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, head ng investigating panel – base sa finding ng DOJ, hindi sapat ang ebidensya para idiin sa krimen ang Sampulna brothers.


Kabilang naman sa pinasasampahan ng reklamo sina Lt. Col. Joven Gonzales, Major Mark Espiritu at mga kasapi ng paramilitary group na “Bagani” dahil sa umano’y partisipasyon nila sa pagpatay kay Fr. Tentorio.

Si Tentorio ay binaril noong October 17, 2011 sa loob ng simbahan sa Arakan, Cotabato.

Nakilala ang Italyanong pari sa mga batikos niya sa operasyon ng militar na tinatarget di umano ang mga lumad sa halip na mga miyembro ng New People’s Army.

Facebook Comments