INIUTOS | DICT, ipinag-utos sa mga telco ang awtomatikong pag-unlock sa mobile device kapag na-expire na ang lock-in period

Manila, Philippines – Inatasan ngayon ng Department of Communications and Information Technology (DICT) ang mga telecommunication company na magpatupad ng otomatikong pag-unlock sa mga cellphone at iba pang devices sa sandaling matapos na ang pag-iral ng lock-in periods.

Sa memorandum order ng DICT, pinabubuo nito ng alituntunin ang National Telecommunications Commission (NTC) para magpatupad ng mandatory unlocking sa mobile devices kapag natapos na ang lock-in period na itinatakda ng mga telco.

Layon nitong matiyak na mabibigyan ng laya ang subscribers sa paggamit ng kanilang device at pagpili ng network provided na kanilang nanaisin kung saan bahagi ito ng pro-consumer measures ng pamahalaan.


Sinabi pa ng DICT na kapag ang subscribers ay nakumpleto na ang lock-in periods at wala na itong bayarin, pwede na dapat silang mag-demand ng pag-unlock sa telecommunication firms kung saan nila nabili o nakuha ang mga mobile phones.

Nabatid kasi na sa ngayon, kahit natapos na ang lock-in period at tapos nang bayaran ang isang device, nananatiling naka-lock sa network provider ang kaniyang mobile phone o tablet.

Facebook Comments