INIUTOS | Establishments na nakatayo sa Boracay shoreline, inatasan na ng DENR na magtayo ng sariling sewage treatment facilities

Aklan – Ipinag-utos na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga establishment sa tabi ng Boracay shoreline na magtayo ng sarili nilang sewage treatment plants.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, mahigipit na ipatutupad ng ahensya ang presidential directive 2018-0081 o nag-aatas sa establishments na magkaroon ng sarili nilang sewage treatment facilities.

Dagdag pa ng kalihim, bubuwagin na rin ang isang illegal pipeline na pinapatakbo at pagmamay-ari ng Boracay water dahil lumagpas ito sa 25 plus five meter easement rule.


Aabot din sa 200 establisyimento ang hindi konektado sa sewage system ng Boracay water.

Base sa pag-aaral ng DENR, nasa 15 million liter per day (MLD) ng waste water ay kinakailangan sumailalim sa treatment pero ang kapasidad lamang ng Boracay ay nasa 12 MLD.

Facebook Comments