Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang “massive crackdown” laban sa lahat ng gun for hire at gun running syndicates sa bansa.
Ito ay kasunod na rin ng sunod-sunod na pagpatay sa ilang local officials.
Ayon kay Albayalde, maglalatag sila ng operational plan para sa pagdurog sa mga armed syndicate sa bansa.
Sabi ni Albayalde, nasa 78 mga private armed groups ang tukoy na ngayon ng PNP at kanila itong mino-monitor na karamihan ay nasa Mindanao.
Kasabay nito, ipinag-utos na rin ni Albayalde ang dagdag na pagpapatrolya ng mga pulis sa mga lansangan 24-oras para sa kaligtasan ng publiko.
Muli ring hinikayat nito ang mga opisyal ng pamahalaan na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan kapag sila ay nakatanggap ng mga death threats.
Pagtitiyak pa ni Albayalde, mas dadalasan na rin ng mga pulis ang pakikipag-dayalogo sa mga komunidad para sa maiwasan ang kaguluhan habang papalapit ang panahon ng halalan.