Manila, Philippines – Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Philippine National Police matapos na ibunyag mismo ng mayari ng farm na sinalakay ng mga tauhan ng philippine Army at National Bureau of Investigation kamakailan na naniningil ng protection money ang mga pulis sa Teresa Rizal.
Ayon kay PNP Chief Police Dir. Gen Oscar Albayalde, may ibinigay na listahan si Lily Ong ang mayari ng coral farm sa kung sinong ang mga pulis na humihingi ng 8000 na protection money kada buwan para hindi makidnap ng mga NPA at ito ngayon ang kanilanh iimbestigahan
Pinagpapaliwanag na rin nila ngayon ang Provincial Director ng PNP Rizal dahil sa insidente.
Hindi pa matukoy ngayon ni Gen. Albayalde kung ang mga pulis na tumatangap ng protection money ay kasama rin sa red October plan ng komunistang grupo.
Posible aniyang sideline job lang ito ng mga pulis magkagayunpaman iimbestigahan pa rin nila kung may kinalaman ang mga ito sa Red October plan.
Una nang kinumpirma ng militar na kaya nila sinalakay ang Coral Farm na pagaari ni Lily Ong ang dahil natukoy nila malimit nagpupulong ang ilang mataas na opisyal ng New People’s Army Sa lugar.
Sa pagsalakay narekober ang matataas na kalibre ng armas at mga mahahalagang dokumento habang naaresto rin ang ilang miyembro ng NPA.