Amerika – Inatasan ni US President Donald Trump si Attorney General Jeff Sessions na pagbawalan ang gun modification bilang hakbang sa nagaganap na mass shooting sa Amerika.
Isa sa tinukoy ni Trump ay ang paggamit ng bump stocks na ginamit ng Las Vegas shooter na si Stephen Paddock na ikinasawi ng 58 katao noong Oktubre 2017.
Inanunsyo ito ni Trump sa Medal of Valor Ceremony sa White House kung saan sinabi nito na pinirmahan na niya ang memorandum na nagbabawal sa pagbili ng mga device para ma-upgrade ang baril at machine guns.
Base kasi sa imbestigasyon ng mga otoridad, hindi magiging ganoon karami ang mabibiktima ni paddock kung wala itong ginawang modification sa kaniyang baril.
Natagpuan ng mga otoridad ang mga assault-style rifle na nalagyan ng “bump stocks” at may 100-round magazines na kayang magbuga ng 1,100 rounds sa loob ng 10 minuto.