INIUTOS | NCRPO Dir. Eleazar – ipinag-utos ang pagrelief sa buong PCP 1 ng Taguig City Police

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar ang pag-relief sa buong police community precinct 1 ng Taguig City police.

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang pulis at pagkakaaresto sa tatlong kabaro nito na umano ay sangkot sa kidnap-for-ransom activities sa entrapment operation ng pulisya sa Western Bicutan kanina.

Ayon kay Eleazar – pansamantala silang ililipat sa regional headquarters support group sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan.


Pero paglilinaw niya, hindi niya sinasabi na lahat ng tauhan ng PCP 1 ng Taguig PNP ay sangkot sa pangingidnap pero mabuti na aniyang mag-imbestiga.

Kinilala ang nasawi na si PO1 Gerardo Ancheta habang pahaharapin din sa patung-patong na kaso sina PO2 Joey Maru, PO1 Bryan Amir Bajoof at Paolo Ocampo.

Facebook Comments