Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspendi sa pagproseso sa mga bagong lisensya at permit ng manufacturer, magbebenta at mamamahagi ng mga paputok at pyrotechnic devices.
Ito ay batay sa Memorandum Order (MO) 31 na nilagdaan na Pangulo noong Oktubre 29 sa gitna na rin nang pag-repaso sa pagsunod sa batas ng mga una nang nabigyan ng lisensya at permit.
Inatasan rin ng Pangulo ang PNP na makipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno at Local Government Units (LGUs) para mag-inspeksyon at matiyak na sumusunod sa mga regulasyon ang mga manufacturer, distributor, retailer at users ng firecrackers at pyrotechnic devices.
Pinakukumpiska at pinasisira rin ng Pangulo ang mga masasabat na iligal na paputok at mga ipinagbabawal ng pyrotechnic devices lalo na at ginamit ito sa labas ng community fireworks display na paglabag sa Executive Order (EO) 28 na naglilimita sa paggamit ng paputok.