Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng DOJ ang pagsasampa ng kaso laban kina suspected drug lords Kerwin Espinosa at Peter Co.
May kaugnayan ito sa sinasabing illegal drug trade sa Regions 7 at 8
Kabilang din sa mga pinakakasuhan ng DOJ ang iba pang mga akusado na sina Lovely Impal, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan.
Otomatiko namang dismissed ang kaso laban sa mga akusadong sina Max Miro, Nestor “Jun” Pepito at Rowen Reyes Secretaria na pawang napatay sa magkakahiwalay na insidente.
Ayon sa prosecution panel na pinangungunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, nakitaan nila ng probable cause at kumbinsido sila na nagkaroon ng sabwatan ang mga akusado kung saan lumabag ang mga ito sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.
Ayon pa sa panel, ang kanilang desisyon ay suportado ng naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng de Lima vs. Guerrero.
Pinagbatayan din ng panel ang naging confession ni Kerwin Espinosa sa senate committees on justice and public order.
Ang kaso laban sa grupo ni Espinosa ay isasampa sa Makati City Regional Trial Court.
Ang nasabing kaso ay unang binasura ng mga dating DOJ panel of prosecutors na humawak nito kaya muling bumuo ang justice dept. ng panibagong panel na nagsagawa mg review sa nasabing kaso na isinampa ng PNP-CIDG
Patuloy naman ang hiwalay na paglilitis ng DOJ kay businessman Peter Go Lim na naunang naghain ng motion for separate preliminary investigation na siya namang pinagbigyan ng panel of prosecutors.