INIUTOS | Pagtataas ng alerto sa mga bahang lugar, iniutos na ni PNP Chief Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Iniutos na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa PNP Directorate for operations ang pagtataas alerto sa mga lugar na may nararanasang pagtaas ng baha dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Batay sa monitoring ng Philippine National Police nagdeklara nang state of calamity ang Cavite, Marikina, Olongapo at Balanga.

Ilan pa sa nagdeklara ng state of calamity ang Bataan, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac pinakahuling nagdeklara ay ang Rizal dahil sa nararanasang taas ng baha.


Nagdagdag na rin ang PNP ng mahigit dalawang libong pulis para tumulong sa pagsasagawa ng search and rescue operatios sa mga lugar na binabaha.

Una nang tiniyak ni Albayalde na tutulong ang PNP sa pagtiyak na maipapatupad ang price freeze sa presyo ng prime commodities sa mga lugar na nagdeklara na ng state of calamity.
Aarestuhin aniya nila ang mga negosyanteng mananamantala ngayong masama ang panahon.

Facebook Comments