INIUTOS | Pangulong Duterte, pinalalagyan ng health warning ang mga sugar sweetened beverages

Manila, Philippines – Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na pinalalagyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng health warning o babala tulad ng sigarilyo ang mga sugar sweetened beverages na mabibili sa merkado.

Sa Press briefing sa Malacañang kanina ay sinabi ni Secretary Lopez na gusto ni Pangulong Duterte na ipaalam sa publiko ang mga negatibong epekto sa kalusugan ng mga inuming may asukal bukod sa mga benepisyo ng mga ito.

Ang gusto aniya ng Pangulo ay mailagay sa harap ng lahat ng sugar sweetened beverage ang babaka tulad ng makikita sa mga pakete ng Sigarilyo.


Ipatutupad aniya ito ng pamahalaan sa loob ng isa o dalawang buwan at inaayos lamang ang mga detalye nito bago ito makita sa merkado.

Nabatid na sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ay papatawan ng 6 pesos per liger na excise tax ang mga sugar sweetened beverages ganon din ang mga carbonated, sports at energy drinks habang 12 pesos per liter naman sa mga inuming may high-fructose corn syrup habang exempted naman sa excise tax ang 3 in 1 coffee at gatas.

Facebook Comments