Manila, Philippines – Iniutos ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kay National Capital Region Police Office Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar ang pakikipag ugnayan sa Commission on Human Rights kaugnay sa gaganaping State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23, 2018.
Ayon kay Eleazar partikular na direktiba ni Albayalde ay humiling nang representante sa CHR para magmomonitor ng mga kaganapan SONA.
Nais aniya nilang isama ang mga taga CHR sa mismong command center o advance command post o kaya naman sa kanilang communication van.
Sa communication van aniya mamomonitor ng representante ng CHR ang mga kaganapan may kaugnayan sa SONA sa pamamagitan ng CCTV cameras na inilagay sa mga strategic locations.
Gusto rin aniya nilang bawat security sub task group ay may taga CHR, bumuo kasi ang NCRPO ng 7 support task group at 13 security sub task group.
Layunin aniya nang kanilang imbitasyon ay upang makita ng mga taga CHR ang mga pangyayari sa SONA, maging accountable ang pulis sa kanilang mga ginagawa at maging unbiased defenders nila sakaling muling ma-critized ang kanilang mga trabaho.
Sa huli sinabi ni Eleazar na hindi naman sila mamimilit sa CHR kung hindi mapagbibigyan ang kanilang kahilingan.