Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay Customs Intelligence officer Jimmy Guban.
Kaugnay ito ng umano ay nakalusot na P6.8-bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa bansa.
Matatandaang sa pagdinig ng Kamara, nauna nang inamin ni Guban na tumanggap sila ng komisyon mula sa SMYD trading para maging consignee ng shipment at si dismissed Police Sr/ Supt. Eduardo Acierto naman ang umorder sa magnetic lifters na pinaglagyan ng shabu.
Sa kanyang talumpati sa Malacañang, sinabi ng pangulo na inutusan na niya si PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na hulihin si Guban
Samantala, magpapatuloy aniya ang war on drugs ng administrasyon hanggang sa huling araw ng kanyang panunungkulan.
Facebook Comments