Manila, Philippines – Inatasan na ang house committee on constitutional amendments na bumuo draft at magpasa ng resolusyon na magko-convene ang Kamara at Senado bilang constituent assembly (con-ass).
Ilalagay na rito na magiging ihawalay na pagboto ng dalawang kapulungan sa ipinapanukalang pag-amiyenda sa 1987 constitution.
Ito ay bilang paghahanda sa nakatakdang mga deliberasyon ng kongreso sa draft ng consultative committee hinggil sa federal charter.
Ayon kay Committee Chairman, Leyte Representative Vicente Veloso, nagbigay na sa kanila ng direktiba si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na baguhin ang House Concurrent Resolution No. 9 na ipinasa ng Mababang Kapulungan nitong Enero.
Aniya, babawiin nila ang naunang resolusyon at magpapasa ng panibago dahil hindi nakasaad dito ang magiging sistema ng botohan.
Target aniya na matapos ang con-ass deliberations sa loob ng dalawang buwan bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2019 midterm elections.
Una nang pumayag si Arroyo na magiging hiwalay ang boto ng Kamara at Senado.