Iniwang patay ng Bagyong Enteng at habagat, sumampa na sa 12

Umabot na sa 12 ang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Enteng at habagat.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pito sa nasawi ay galing sa CALABARZON, tig-dalawa sa Region 5 at Region 7 at isa mula sa Region 6.

Maliban dito, 11 din ang napaulat na nasaktan habang pito ang nawawala.


Samantala, nasa 149,661 pamilya o katumbas ng 547, 029 mga indibidwal ang apektado ng Bagyong Enteng at habagat.

Facebook Comments