Iniwang patay ng Bagyong Kristine at Leon sumampa na sa 162

Tumaas pa ang bilang ng mga napaulat na nasawi matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine at Leon sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 162 ang napaulat na nasawi kung saan 22 rito ang kumpirmado.

Mayroon pang 22 ang nawawala habang 137 naman ang mga nasakatan.


Umaabot naman sa 2.4 milyon pamilya o katumbas 9.6 milyon indibidwal ang apektado ng 2 bagyo sa 17 rehiyon sa bansa.

Facebook Comments