
Lumobo pa sa 69 ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu City kagabi.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Rafaelito Alejandro IV, 30 sa mga nasawi ay mula sa Bogo city na ground zero ng lindol.
May naitalang ding 22 nasawi sa San Remigio,10 sa Medellin, 5 mula sa Tubogon at tig-isa sa bayan ng Sugod at Tabuelan.
Sinabi ni Alejandro na karamihan sa mga nasawi ay nabagsakan ng debris.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang isinasagawang search and rescue operations sa mga pinaniniwalaang nabagsakan ng guho.
Nagpapatuloy rin ang assessment sa mga gusali tulad ng ospital, eskwelahan, mga tahanan at iba pa upang masigurong ligtas bago balikan ng ating mga kababayan.
Facebook Comments









