
Umakayat na sa 25 katao ang reported death toll sa epekto ng habagat at magkakasunod na Bagyong Crising, Dante at Emong.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa nasabing bilang 22 ang for validation pa habang tatlo naman ang kumpirmadong nasawi dahil sa sama ng panahon.
Ang mga confirmed deaths ay mula sa Regions 3, 10 at CARAGA.
Samantala, mayroon pang walong naiulat na nawawala at walo ang nasaktan.
Lumobo pa sa 3.8 million indibidwal o katumbas ng mahigit 1 milyon ang apektado mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Sa bilang, 167,000 pa o higit 47,000 pamilya ang nanunuluyan ngayon sa mahigit 1,000 evacuation centers.
Facebook Comments









