Umabot na sa 23 ang ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng mga Bagyong Ferdie, Gener at Helen.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 9 dito ay mula sa MIMAROPA, apat sa Region 6, BARMM at Region 9 at dalawa mula sa Region 7.
Nakapagtala rin ng 13 sugatan at 15 na nawawala.
Samantala, nasa halos 300,000 pamilya o katumbas ng mahigit 1 milyon indibidwal ang apektadong ng sama ng panahon mula sa 1,441 na mga barangays sa 13 rehiyon sa bansa.
Sa nasabing bilang 69,360 katao ang nananatili sa 634 na mga evacuation centers habang ang nasa 61,000 mahigit na mga indibidwal ay mas piniling makitira sa kani-kanilang mga kamag-anak o manatili sa kanilang mga tahanan.
Sa ngayon, nasa mahigit ₱17 milyon na tulong na ng pamahalaan ang naipamahagi sa mga apektadong indibidwal.