Iniwang patay ng sama ng panahon, sumampa na sa labing apat

14 na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, Bagyong Butchoy at Carina.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), walo dito ang kumpirmado habang anim naman ang for validation pa.

Sa nasabing bilang lima ang mula sa CALABARZON, apat sa Region 9, tig-isa mula sa Region 10, 11 at NCR habang dalawa sa BARMM.


Dalawa ang naitalang sugatan at dalawa rin ang nawawala.

Posibleng tumaas pa ang datos dahil patuloy pang kumakalap ng impormasyon ang kanilang mga tauhan sa grounds.

Facebook Comments