
Nag iwan ng ₱196.4-M na pinsala ang sama ng panahon bunsod ng Intertropical Convergence Zone sa Mindanao.
Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), nakapagtala ng P4.6-M na halaga ng pinsala sa Agrikultura sa Regions 9 at 10.
Karamihan sa mga napinsala ay mga high value crops, fisheries, livestock at poultry sa Zamboanga del Norte, Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Samantala, nag iwan naman ng 192-M na halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Zamboanga Peninsula.
Nasa 8 kalsada at 2 tulay ang hanggang sa ngayon ay hindi parin madaanan ng mga motorista.
Umaabot naman sa 150 kabahayan ang nasira kung saan 115 ang partially damaged habang 35 ang totally damaged.
Sa ngayon, mahigit 352,000 mga indibidwal ang apektado ng sama ng panahon mula sa Regions 9, 10, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sampu ang iniwang patay habang apat naman ang naitalang sugatan.









