INIWASAN | Mark Bautista, nilalayuan na ng mga kaibigan matapos umaming isa siyang bisexual

Manila, Philippines – Aminado ngayon ang singer na si Mark Bautista na may mga taong lumalayo na o dumidistansiya sa kaniya matapos niyang umamin na isa siyang Bisexual.

Ayon kay Mark, matapos ang book launching niya ng “Beyond The Mark” napansin niya na unti-unti na siyang iniiwasan ng mga kaibigan na karmaihan ay pawang mga lalaki.

Hindi naman tinukoy ni Mark kung ito ba ay nasa showbiz o hindi pero sinabi na matagal na niyang pinaghandaan ang ganitong scenario at kahit na takot, kailangan daw niya itong tanggapin at harapin.


Sa kabila nito, wala namang pinagsisihan si Mark sa kanyang paglalantad at pakiramdam niya ay nabawasan ang burden na dinadala niya simula pa noong pagkabata.

Sa ngayon, ini-enjoy lang ni Mark ang moment sa pagre-release niya ng sariling autobiography at marami daw ang nagme-mensahe sa kaniya na nakaka-relate sa story ng kaniyang buhay.

Facebook Comments