INJURED | Jayson Castro at Jio Jalalon, hindi kasama sa final-12 line up ng Gilas Pilipinas

Sports – Out na muna sina Jayson Castro at Jio Jalalon sa line-up ng Gilas Pilipinas na lalaban sa Australia para sa second window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.
Ito’y dahil nagkaroon ng injury sa ankle si Castro habang iniinda ni Jalalon ang sakit ng kaniyang binti.
Dahil dito, ang mga youngsters na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas ang tatayong point guard ng Gilas kung saan makakasama nila sina Gabe Norwood, Calvin Abueva, Abu Tratter, Matthew Wright, Roger Pogoy, Allein Maliksi, Carl Bryan Cruz, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo at Andray Blatche.
Mamayang alas-4:30 ng hapon mapapanood ang laban ng national team kontra Australia at ang mananalo ang siyang mangunguna sa group-B dahil parehas na may 2-0 win/loss record ang dalawang koponan.

Facebook Comments