Narescue ang isang natagpuang injured na Philippine Scops Owl sa bayan ng Bayambang.
Mukhang duguan, may injury at nanghihina ang naturang kwago kayat dinala ito sa Municipal Veterinarian matapos na isinurender sa MENRO.
Ang pagsurrender na ito sa kuwago ay alinsunod sa RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act kung saan nakasaad na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito.
Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan ang naturang kuwago kung saan kahapon ay tuluyan na rin itong isinurender ng MENRO sa CENRO-Dagupan para sa mas maganda at maayos na pangangalaga sa sugatang ibon. |ifmnews
Facebook Comments