INJURED | Rafael Nadal, hindi na makalalaro sa Brisbane International

Sports – Hindi na makakalaro sa Brisbane International si tennis world no. 1 Rafael Nadal dahil sa kanyang knee injury.

Matagal ding hindi nakalaro si Nadal matapos siyang matalo ni David Goffin sa World Tour Finals.

Kaugnay nito, nag-sorry si Nadal at sinabing hindi pa siya handa matapos ang long season noong nakaraang taon at dahil late na rin ang kanyang preparasyon para sa laban.


Pero, balak pa rin ng tennis player na makasali sa Australian open na magsisimula na sa January 15.

Sa January 4, magpupunta sa Melbourne, Australia si Nadal para simulan ang kanyang practice.

Facebook Comments