INKLUSIBONG KOMUNIKASYON, PINALAKAS SA BASIC SIGN LANGUAGE TRAINING SA SAN CARLOS

Pinalakas sa San Carlos City ang pagsusulong ng inklusibong komunikasyon sa pamamagitan ng isinagawang Basic Sign Language Training noong Nobyembre 26–27, 2025 sa isang private resort.

Layunin ng aktibidad na turuan ang mga kalahok ng mga pangunahing kaalaman sa sign language upang mapabuti ang ugnayan at pag-unawa sa mga indibidwal na may kapansanan sa pandinig.

Sa loob ng dalawang araw, nakibahagi ang mga dumalo sa mga interactive na sesyon na nakatuon sa tamang paggamit ng sign language at sa pagpapalalim ng pag-unawa sa kahalagahan ng accessibility at respeto sa lahat ng miyembro ng komunidad.

Bahagi rin ng aktibidad ang pagbibigay-diin sa adbokasiya ng lungsod na gawing bukas at inklusibo ang mga serbisyo para sa sinuman, anuman ang kanilang kakayahan.

Patuloy namang nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga programa at inisyatiba na nagtataguyod ng pantay na oportunidad at mas malawak na partisipasyon ng lahat sa mga usaping pangkomunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments