INLOVE | Matteo Guidicelli, happy at enjoy sa pag-celebrate nila ng birthday ni Sarah G

Manila, Philippines – Happy at full of love ang peg ngayon ng aktor na si Matteo Guidicelli matapos nilang i-celebrate ang 30th birthday ng kaniyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa Japan noong nakaraang linggo.

Say ni Matteo, naging simple lamang ang ginawang pagdiriwang ng birthday ni Sarah pero 100 percent naman daw silang nag-enjoy kung saan July 25 ang date ng kaarawan ng Popstar Princess.

Dagdag pa ni Matteo, ang nasabing bakasyon ay matagal na nilang hinihintay matapos maging abala sa kani-kanilang career.


Hindi naman masiyadong idinetalye ni Matteo ang kanilang bakasyon pero hiling nito na magkaroon pa sana siya ng maraming pagkakataong makasama ang kanyang longtime girlfriend.

Facebook Comments