Hollywood – Masayang ibinahagi ng singer na si Nicki Minaj ang nangyaring pakikipag-date nito sa rapper na si Eminem.
Ito ang nagin sagot ni Nicki matapos na lumabas ang balita at matanong pa ng isa nitong fans sa kaniyang social media.
Aminado si Nicki na madalas na silang lumalabas ni Eminem pero hindi naman nito sinabi ang tunay na estado sa kanilang relasyon.
Iba’t-ibang reaksiyon naman mula sa mga fans at kapwa singer ang natatanggap ni Nicki kung saan karamihan sa mga ito ay hindi makapaniwala sa kaniyang rebelasyon.
Facebook Comments