Inmate mula North Cotabato District Jail pumanaw dahil sa pananakit ng tiyan

Isang inmate mula sa North Cotabato District Jail ang binawian ng buhay matapos makaranas ng pananakit ng tiyan. Kinilala ang nasabing inmate na si Rogelio Edoro Belo, 55 anyos residente ng barangay Balogo sa bayan ng Pigcawayan sa lalawigan ng North Cotabato na binawian ng buhay habang nakakulong sa nasabing piitan.
Nakaranas umano ng pananakit ng tiyan si Belo kahapon ng umaga hanggang sa nawalan ito ng malay tao dahilan para isugod sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng pananakit ng tiyan ng biktima na maaring may dinaramdam na ito sa loob ng kulungan.
Sa ngayon ay nasa kanilang tahanan ang mga labi ni Belo sa bayan ng Pigkawayan , North Cotabato.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments