Magsasagawa ngayong araw ang Inner Wheel Club of Las Piñas & Environs District 383 at RMN Foundation ng Dental Health Awareness at Livelihood Project katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho.
Gaganapin ito sa Sta. Catalina Elementary School sa Brgy. San Lucas 1 sa San Pablo City, Laguna.
Dito ay ikakasa ang iba’t ibang aktibidad tulad ng oral healthcare education campaign, dental fluoride, feeding at pamamahagi ng hygiene kits sa mga estudyante.
Bukod dito, tuturuan din ang mga magulang ng mga mag-aaral kung papaano ang paggawa ng tocino, tapa at longganisa para magkaroon sila ng extra na pagkakakitaan o maaaring pagmulan ng kanilang negosyo.
Target na mahandugan ng serbisyo ang nasa 180 estudyante ng Sta. Catalina Elementary School at 24 na nanay sa nasabing livelihood project.
Ang nasabing aktibidad ay kasunod na rin ng selebrasyon ng National Dental Healthcare Month.