Magsasagawa ngayon ng masusing pagpipili ng mga pinakamagaling na scholar sa siyam na Distrito sa Makati City ang Inner Wheel Club of the Philippines upang mabigyan ng suporta at scholarship program na ginanap sa Alberione Hall Society of Saint Paul Seninary, Bagtikan, Makati City.
Ayon kay Chit Reyes, Chairman, Ako ay Pilipino National Level Contest, ang kanilang target ay mga batang mayroong nationalism o pagmamahal sa bayan kung saan ang income ng kanilang mga magulang ay dapat nasa P150,000 sa isang taon upang masabing mahihirap.
Paliwanag pa ni Reyes na 1974 pa umano nilang sinimulan ang pagtulong sa mga mahihirap na mga kabataang mag-aaral na mayroong pagmamahal sa bayan na binibigyan nila ng scholarship program.
Ang Inner Wheel Club of the Philippines ay grupo ng mga kababaihan na tumutulong sa mga kabataan at tumutulong ng livelihood program kung saan ang malaking events kung saan isang scholarship competition national na pumipili ng pinakamagaling sa mga scholar.