INOOBSERBAHAN NA | 12 katao, nagka-rabies matapos kumain ng karne ng aso sa Zamboanga Del Sur

Zamboanga Del Sur – Inoobserbahan ngayon sa ospital ang labingdalawang residente ng Dumingag, Zamboanga Del Sur matapos na magkaroon ng rabies.

Ito ay makaraan silang kumain ng karne ng aso na niluto ng may-ari nito.

Sa ulat – kinatay ang aso matapos na kagatin nito ang kanyang amo.


Pumanaw naman daw ang amo nito, labinlimang araw matapos siyang makagat.

Dahil dito, mahigpit muli ang paalala ng DOH na huwag kumain ng karne ng aso.

Facebook Comments