Inquest proceeding laban sa alkalde ng Mabini, Batangas at dalawang kapatid nito, gumugulong na ngayon sa DOJ

Humarap na sa inquest proceedings ng Department of Justice (DOJ) si Mabini, Batangas Mayor Nilo Villanueva at dalawang kapatid ng alkalde na naaresto ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) noong Sabado, Hunyo 17 matapos mahulihan ng matataas na uri ng kalibre ng baril.

Kasama ng alkalde na dumalo sa inquest proceedings ang mga kapatid na sina Bayani Villanueva, sinasabing presidente ng Association of Barangay Captains sa Mabini at Oliver Villanueva.

Nang hingan ng pahayag ng media, tumangging magkomento ang mga suspek ukol sa kinakaharap na kaso.


Nauna ng inihayag ng kampo ni Mayor Villanueva na maghahain sila ng motion to quash upang ipabasura ang kaso

Matatandaang nakumpiska sa pag-iingat ng mga Villanueva ang 5.56 caliber rifle, isang MK2 hand grenade, isang .22-caliber handgun, isang .45-caliber pistol at maraming mga bala sa raid na isinagawa sa compound ng kanilang bahay sa Brgy. Sto. Tomas, Mabini, Batangas.

Facebook Comments