Inquest proceedings laban na Chinese nationals na naaresto sa raid sa Las Piñas City, hindi umusad ayon sa DOJ

Hindi umusad ang isinagawang inquest proceedings laban na Chinese nationals na naaresto sa raid ng Philippine National Police (PNP) sa Las Piñas City.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ito ay dahil sa naghahanap pa sila ng mga translator o interpreter para sa limang respondent na mga Chinese national.

Hindi raw kasi magkaintindihan kahit pa wikang ingles ang gamitin dahil hindi umano marunong ang limang dayuhan.


Reklamong paglabag sa Anti-Human Trafficking Act ang inihain ng PNP-Anti Cybercrime Group laban sa mga ito.

Matatandaang sinalakay ng mga awtoridad ang compound ng Xinchuang Network Technology noong June 26, kung saan nasa higit 2,000 dayuhan ang hindi pinapayagang makalabas.

Facebook Comments