Insanity plea, hindi maaaring gamitin ni Nuezca para makalusot – Palasyo

Hindi maaring gamitin ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang insanity o pagkabaliw bilang depensa sa kanyang kasong pagpatay sa mag-iina sa Tarlac.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, alam ni Nuezca na maling gamitin ang kanyang service pistol para sa murder.

Maaari aniyang gamitin ang insanity plea kung ang defendant ay walang kakayahang umunawa sa kanyang mga ginagawa o ibig sabihin ay hindi alam ang tama o mali.


Kapag ginamit ang insanity play, magpapatawag ng mga testigo para subukan ang naturang depensa.

Kadalasan aniya, nag-iimbita ng psychiatrist para tingnan ang estado ng pag-iisip ng defendant.

Facebook Comments