China – Sikat na sikat sa bansang China ang cricket fighting
Katunayan, sa bayan ng Sidian sa Shandong Province, naging negosyo na nila ang pagbebenta ng cricket (“kuliglig” o “yayay”).
Mas mahal pa nga raw ang kada-piraso nito kaysa sa ginto na mabibili sa halagang 50,000 yuan o katumbas ng halos 400-libong piso!
Gaya ng gagamba, pinaglalaban nila ang dalawang cricket pero hindi sa tingting kundi sa loob ng isang lalagyan.
Samantala, pinakamahal daw na presyo ng kada-piraso ng kuliglig ay naipagbili sa halagang 300,000 yuan o 2.3 million pesos.
Facebook Comments