Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang kakaibang ‘alien-like’ creature na mayroong hairy tentacles.
Nakuhanan pa ng video ang creature na ito pero napag-alaman pala na isa lamang itong insekto.
Ang nasabing insekto ay kilala sa tawag na “creatonotos gangis moth,” na matatagpuan sa mga bansang Indonesia, India, Sri Lanka, Japan, Thailand, New Guinea at Queensland.
Hindi naman daw ito delikado at hindi din nakakapinsala sa mga tao subalit kaya nitong sirain ang mga Pomegranate Trees.
Ang mga weird wriggling tentacles naman nito ay tinatawag na coremata, na ginagamit nito para ma-attract ang mates kung saan mayroon itong wingspan na aabot sa 4 centimeter.
Facebook Comments