Insentibo at hindi dagdag na buwis, dapat ibigay ng gobyeno sa online entrepinoys

Imbes na patawan ng buwis ay hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na tulungan ang mga maliliit na online entrepinoys sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, dapat isama ang mga online seller sa microfinancing program ng Small Business Corporation (SB Corp.) upang mabilis na makabangon sa krisis na dulot ng pandemiya.

Ang SB Corp. ay isang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) na attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI).


Naglaan ang SB Corp. ng isang bilyong pisong Enterprise Rehabilitation Financing facility sa ilalim ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (COVID-19 P3-ERF) upang umagapay sa mga maliliit na negosyo o micro and small businesses.

Mayroon din itong microfinancing program na nag-aalok ng mababang interes na hindi hihigit sa 2.5% kada buwan at hindi nangangailangan ng kolateral para sa micro enterprises na may pag-aaring hindi hihigit ‪sa ₱3‬ milyong.

Maliban sa pagbibigay ng kapital, sinabi ni Gatchalian na dapat gamitin ng DTI ang Philippine Innovation Law upang lalong maging competitive ang online sellers.

Facebook Comments